September 8, 08 - updates
one week after i wrote my september wishes blog. dami nnman happening, my sister suffered an injury haay.. wawa naman xa.
on the other hand may happy news din, my cousin sienna gave birth last Sept 2, b-day nya yun kasi kami ni Sienna ang september tandem ng pamilya Villanueva, now may dagdag pang isa. Her child, my inaanak, wala dad si Hailee Amidala Villanueva, pero she doesn't need a jerk dad when she have lots of mom's and tita's like me, my sisters and my cousins plus the whole clan as well.
tapos mejo narerealize ko i have a very troubled friend. she is introducing me as her best friend pero dami nya pretentions and lies na sinasabi sa amin ng aming college best friends. nakakalungkot kasi true friends should serve as your solstice in time of crisis diba, pero how can she take na pati sa amin magsinungaling. hmmmmm
stressed yata ako. very new sa akin dahil im supposed to be a jolly person. although people surrounding me might not feel it, i can feel it in myself, lucky for me may isang tao na nafefeel nya na wala talga ako sa mood, "nyl" does that for me. kaya lang isa rin siya sa iniisip ko maybe that's why he can feel it, kasi he's one of the reasons. hehehe o ako lang nagbibigay ng problem sa sarili ko. hindi ko alam.
as for my wishes, here's the next batch of wishes that I would really love to have.
7. gumaling na si leia. I want to see her na masigla ulit, di takot gumalaw, di madalas umiyak at ang kanyang tawa na puno ng buhay.
8. A day-out, sana vacation kaya lang parang imposible so kahit na day-out na lang. trip to tagaytay, corregidor, o kahit san lang na makakapagrelax ako, away from the hsutle and bustle of the city.
9. gusto ko ng kasiguraduhan. matanggap ang mga dapat at malaman kung anu ba talaga ang GUSTO KO. Even writing this blog is hard for me. Di nman ako materialistic kaya puro kababawan lang ang mga sinasabi ko pero deep inside im delving into deep waters.
10. para nman wish na alam kong baka friends ko ang makabigay. complete series na lang ng charmed. :)
___________________________________________________________
it's the first day of September and it's my birthday month again. My August wasn't such a hit but it's still a happy month.
Siyempre my birthday month entitles me to write another wish list. hahaha. i just want to make this traditional, like last year I wrote one and I got SOME of my wishes. :)
I can't believe na mag 12 na ko this year :0
ok seriously now, anu kaya ang manguyayari sa pagpasok ng aking 24th year.
rewind tayo... Anu b nangyari nung 23 ako?
ahm, ang dami kong offers na di ko alam if its opportunity wasted o right decision.
2. na regular nman ako kaya carry na din.
3. nag loan ako sa pag-ibig so finally a property under my name ay pinoprocess na and dapat magtipid para mabayaran ang utang. :)
4. masaya naman ang lovelife dami up's and downs pero masaya naman kahit maraming confusions haba pa din ang hair ko. (innistretch ko kasi)
5. restless. parang on the go ako lagi. nakakahingal pero ok lang ngayon maging fast pace ang life ko at the prime of my youth. :)
Dami ngyari yung iba ayaw ko na alalahanin, yung iba I know kahit kalimutan ko maalala ko pa din.
enough with the drama...
wish list na para d nman ako makatulog sa pagsusulat. pero I know I have to be careful on what i wish for yan ay based sa novel that i just recently finished. "wink"
1st wish
peace of mind. tama pang miss universe ang dating ng first wish ko. feeling ko kasi nstress na ko lately eh. kailngan ko ng nirvana.
2. 3 days na tulog, parang from good friday to easter sunday, maging sleeping beauty lang ako, para malaman ko na ulit meaning ng rest.
3. white icing cake o caramel cake. hehe layo from my first two wishes. pero gusto ko lang ng cake sabi nga ni leia, "Hindi mu birthday pag wala kang cake!"
4. mag enchanted kingdom! kasama ang mga sis ko o kaya c... cnu? secret basta dapat may kasama ako. :)
5. sana this time makumpleto ko na meron na ako ng 1,2, 4 and 7. ng hARRY POTTER, friends 3,5 and 6 na lang po.
6. sidney sheldon, or other interesting reads pa. :)
(will update isip pa aketch!)
Ber na, meri mismas na din hihihi.
Sunday, August 31, 2008
Thursday, August 28, 2008
try uli...
Habang nakahiga ako sa aming sofa at nanonood ng TV tinatapos ko din ang isang novel na actually matagal ko ng nasimulan. unang basa ko ng The mermaids chair ni sue monk kidd medyo nabigatan ako kaya huminto akala ko nabore ako o masyado akong na ewan (d q alam na feel q) sa intimate affair ng isang girlalu sa isang monk. tapos ayun narealize ko sayang naman ang book kung d q itutuloy eh nakuha ko lang ng libre sa office yun, sayang ang mga literary moments na lagi ko pa nman hinahanap so sabi ko for the sake of art tatapusin ko. Sinamantala ko na may sakit ako kahapon kaya binasa ko na, naisip ko nabigatan lang ako nung una kasi may sarili akong worries na iniisip ayoko ng dalhin ang isipin ng character hehe. pero kahapon habang may sakit ako binasa ko na lahat. Ayun ok nman pala sad lang talaga siya at mabigat sa puso dahil sa mga emotional baggage na dala ng characters therefore kung anu ano ang ginawa nila sa sarili nila. ung bida naki affair sa monk samantalang gwapo daw ang asawa yung mother nya nag dismembr ng daliri and kung anu ano pa.
moral of the story: wag itago ang mga bagay na baka pagsisihan in the future, kung may dapat sabihin sabihin na agad mahirap pag naipon, ang hirap kaya mag recollect ng sarili... un lang po
moral of the story: wag itago ang mga bagay na baka pagsisihan in the future, kung may dapat sabihin sabihin na agad mahirap pag naipon, ang hirap kaya mag recollect ng sarili... un lang po
Monday, August 25, 2008
pa-try lang!
Ngayon pa lang ako magsusulat ng Tagalog, ay hindi sa GMA 7 para sa Liga ng Kababaihan may nasulat akong konting segments at para din sa I love Philippine idol ng ABC 5 may ilang episodes din na kasama ang script ko.
Kaya lang pakiramdam ko hindi ako marunong magsulat ng Tagalog o baka maarte lang ako kaya laging English at Taglish ang kadramaham ng mga sinusulat ko. :)
Naisip ko tuloy sa bago kong office, lahat ng PR, collaterals at kung anu ano pa na sinusulat ko araw-araw english ang gamit ko. (xempre, foreigner and gusto naming makabasa ng mga ito) Dapat pala pag nagblog ako minsan Tagalog naman para masanay ako. :) hahabol na ako sa Buwan ng Wika ngayong Agosto at susulat ng mga Blog na tagalog. Huli man daw at magaling maihahabol din.
Haha! Sa totoo lang hindi naman talaga Buwan ng Wika ang inspirasyon ko, siguro naiinggit lang ako, binasa ko kasi ang blog ni Sir Perci, dati kong boss sa ABC 5, naaliw ako kaya basa ako ng basa tapos nakita ko pa yung link ng blogsite ni Mr. Jun Lana. ayun naaliw pa lalo ako tama yung title ni sir Perci sa link (blog ni Jun na sobrang galing!). Binasa ko from start to finish walang mabigat na topic, lahat magaan at nakakatawang basahin. korek! nakakatawa as in Tumatawa ako mag isa habang nagbabasa buti na lang sanay na mga officemates ko na lagi akong tumatawa, hindi nila iisiping naaning na ako. Naisip ko tuloy sana may biglang pumasok sa isip ko na ganito tapos susulat ko din. para maiba naman hindi puro nararamdaman ko laman ng blog ko pwede din nman observation at kung anu-ano pa.
namiss ko din yung industriya na dati akong kasama, ngayon kahawig ng konti pero iba pa din ang linya. :(
Haaaay! Hindi ko alam kung nagddrama ako o inggitera lang talaga ako. :( :)

Subscribe to:
Posts (Atom)