Ngayon pa lang ako magsusulat ng Tagalog, ay hindi sa GMA 7 para sa Liga ng Kababaihan may nasulat akong konting segments at para din sa I love Philippine idol ng ABC 5 may ilang episodes din na kasama ang script ko.
Kaya lang pakiramdam ko hindi ako marunong magsulat ng Tagalog o baka maarte lang ako kaya laging English at Taglish ang kadramaham ng mga sinusulat ko. :)
Naisip ko tuloy sa bago kong office, lahat ng PR, collaterals at kung anu ano pa na sinusulat ko araw-araw english ang gamit ko. (xempre, foreigner and gusto naming makabasa ng mga ito) Dapat pala pag nagblog ako minsan Tagalog naman para masanay ako. :) hahabol na ako sa Buwan ng Wika ngayong Agosto at susulat ng mga Blog na tagalog. Huli man daw at magaling maihahabol din.
Haha! Sa totoo lang hindi naman talaga Buwan ng Wika ang inspirasyon ko, siguro naiinggit lang ako, binasa ko kasi ang blog ni Sir Perci, dati kong boss sa ABC 5, naaliw ako kaya basa ako ng basa tapos nakita ko pa yung link ng blogsite ni Mr. Jun Lana. ayun naaliw pa lalo ako tama yung title ni sir Perci sa link (blog ni Jun na sobrang galing!). Binasa ko from start to finish walang mabigat na topic, lahat magaan at nakakatawang basahin. korek! nakakatawa as in Tumatawa ako mag isa habang nagbabasa buti na lang sanay na mga officemates ko na lagi akong tumatawa, hindi nila iisiping naaning na ako. Naisip ko tuloy sana may biglang pumasok sa isip ko na ganito tapos susulat ko din. para maiba naman hindi puro nararamdaman ko laman ng blog ko pwede din nman observation at kung anu-ano pa.
namiss ko din yung industriya na dati akong kasama, ngayon kahawig ng konti pero iba pa din ang linya. :(
Haaaay! Hindi ko alam kung nagddrama ako o inggitera lang talaga ako. :( :)
No comments:
Post a Comment